298 - Sa Puso Ko ay may Awit

Sa puso ko ay may awit
Totoong matamis,
Ang tanging nakaririnig,
Si Jesus na ibig.

REFRAIN

Kaylaki ng kagalakan
Ang sa puso ko'y tumatahan,
Kay Jesus ng pagmamahal
Ay akin araw-araw.

Sa puso ko'y may liwanag
Na tangi sa lahat,
Ang sa akin ay naggawad,
Si Jesus na liyag.

REFRAIN

Kaylaki ng kagalakan
Ang sa puso ko'y tumatahan,
Kay Jesus ng pagmamahal
Ay akin araw-araw.

Ang puso ko'y matiwasay
Tahimik na tunay,
Pagka't ang kapayapaan
Hindi nagkukulang.

REFRAIN

Kaylaki ng kagalakan
Ang sa puso ko'y tumatahan,
Kay Jesus ng pagmamahal
Ay akin araw-araw.

Sa puso ko ay may galak
Hindi kumukupas,
Ako sa lahat ng oras
Kanyang nililingap.

REFRAIN

Kaylaki ng kagalakan
Ang sa puso ko'y tumatahan,
Kay Jesus ng pagmamahal
Ay akin araw-araw.

0:00 0:00